Bawat tao ay may iba’t ibang kultura, identidad na ginagawa silang bukod tangi. Nararapat lamang na pangatawanan natin ito dahil isa ito sa mga pundasyon na bumubuo sa kani kanilang pagkatao. Maraming tradisyon ang mga pinoy ngunit iisa ang nakapukaw ng aking atensyon, at ito ay ang pagbibigay natin ng pasalubong
Pasalubong salitang nagdadala ng ngiti sa kung sino man ang masabihan nito. Maari nitong paligayahin ang araw mo kung sabihin nating kakagaling mo lang sa isang malungkot na pangyayari. Isang salita na kayang pumukaw ng magagandang emosyon. Mga dahilan kung paano at kailan ito nagsimula ay hindi matukoy
Pero bago muna natin talakayin kung ano nga ba ito,atin munang talakayin kung ano ang ibig sabihin nito, binubuo ito ng dalawang salita sa tagalog. Ang salitang ugat nito ay salubong na ang ibig sabihing ay malugod na pagbabalik sa isang tao at panlaping ‘pa naman na pinaikling bersion ng pang. Saan nga ba natin natin ito maaaring gamitin at kung nararapat ba ito sa sitwasyon.
Marami pang ibat ibang tawag sa pasalubong, para sa mga cebuano ang tawag nila sa pasalubong ay tinabuan, at sa hiligaynon sinugatan, magkaiba man ng salita, magkatulad parin sila ng ibig sabihin
Ang salitang pasalubong ay puwedeng gamitin ninuman puwede itong sabihin ninuman. Isang halimbawa nito ay isang batang may amang nagtrabaho galing sa ibang bansa,pagdating niya sa kanilang bahay ay niyakap niya ito ng mahigpit at binigyan ng damit na kung saan ay malugod nya itong tinanggap, sinabihan ng “eto pasalubong” na agad namang nagbigay ng ngiti na abot tainga, pwede rin namang ating baliktarin ang sitwasyon at nanghingi ang anak mga ilang araw bago aa pagdating ng ama nito ng pasalubong.
Kilala ang mga pinoy bilang maaruga, Isa itong patunay kung gaano kalalim ang pagmamahal natin sa ating pinakatatanging mga mahala sa buhay
Kung ating mapapansin hindi mahalaga kung magarbo man o hindi ang ating natanggap dahil ang pinaka diwa ng tradisyon nito ay ipagbunyi ang pagiging maaalalahanin natin at ipagbungad ang mga relasyon ng mga nawalay satin
Naaalala ko pa ng parang nangyari ito kahapon noong binisita kami ng aking pinakamamahal na tito na nagmula pa sa ibang bansa. Isa syang seaman kaya’t regular na sa kanya na mawala wala paminsan minsan. Nasanay na ako at Kailangang unawain ang kanyang sitwasyon ng dahil isa ito sa hinihinhing sa kanyang trabaho. Ngunit di ko inaasahan ng isang araw napatagal sya sa ibayong dagat kaysa sa dati. kinailangan nyang patagalin ang kanyang pananatili upang kumita ng mas maraming pera na para rin sa kanyang pamilya sundan pa ng mga kumplikasyon na nag udlot ng kanyang pagbalik. kapus palad nga naman nang mangyari ito, tila wagas ang lumbay na aking nadarama bawat oras,segundo na lumipas. Kay tagal kong hinihintay ang muling pagbalik nito dahil isa sya sa mga taong naghugis sa akin sa kung sino man ako ngayon. Tumayo siya bilang kaibigan at ama noong mga panahon na kinailangan ko, kaya at nung malaman ko na sya ay muling magbabalik ako ay tila ba nasa langit sa sabik na makita sya muli ngunit nang napagtanto ko na baka hindi na tulad ng dati ang aming pagsasama. Dahil sa tagal ng panahon na hindi kami magkasama napaisip ako na maaaring marami nang nangyari na nakapagpabago rito, isang malaking hadlang sa mabuting samahan namin. Mahirap maipaliwanag sapagkat ako ay labis na napuno ng ibat ibang emosyon. Sa natatandaan ko, nang una ko syang muli makita ako ay nalungkot, dahil andami nya nang pinagbago kung paguusapan natin ang kanyang pisikal na itsura. Mas tumanda at mas lalong naging wasto ang kanyang pagiisip. Ngunit nang kami ay nagkausap uli, ikinagalak ko na nanatili parin ang kanyang mga pananaw sa buhay. Bandang huli binigyan nya ako ng pasalubong na agad ko naman tinanggap at ito namang umaliw sa akin dahil sa haba ng panahong nakalipas nagawa nya akong alalahanin
Ang pagbibigay ng regalo ay isa ring instrumento upang paliitin ang distansya na nabuo at patibayin ang mga relasyon nito
Paminsan minsan nakakatulong din na ikaw ay mamuhunan pa lalo sa mga ibibigay mong pasalubong dahil kung binigyan mo ng importansya, oras at panahon ito mas malago ang aanihin mo. Simulan mo ito sa pagiisip ng kung ano ireregalo mo sa kanila, kung ano ang kulay nito, ang hugis, ang lasa, ang laki nito. Kung magagamit ba nila ito sa pang araw araw na buhay o simpleng pang dekorasyon na nagpapaalala ng presensya mo. Maging practikal, Mga simpleng bagay na nagdadala ng malaking diperensya.
Halimbawa kung ang iyong matalik na kaibigan ay mahilig sa mga abubot na kulay pula, edi maghanap ka ng mga bagay na kulay pula, tulad ng pulang alahas, pulang keychain at iba pa. Ito ay isang indikasyon na kung gaano tayo kalapit sa kanila o kung gaano natin sila kakilala bilang isang indibiduwal
Nakakatulong di ang mga pasalubong na ating ibigay upang maglahad ng istorya natin, kung saan tayo galing,kung ano ano ang napagdaanan natin, bale kung paano tayo nabuo ng panahon. Isa itong sangkap upang magpahayag ng isang bagay. Dahil may mga lugar na may naitakda nang mga kaugalian at tradisyon, sa pamamagitan ng pasalubong kahit hindi man natin ito ipaliwanag ng berbal, nakakatulong parin itong magpahiwatig ng kwento, magpinta ng isang imahe upanh maiparanas at ipakilala kung sino tayo bilang tao
Halimbawa isa kang probinsyanong galing sa negros occidental at nais mong iparanas ang iyong kultura. Maari nating bigyan abg ating mga mahal sa buhay ng piaya. Dahil kilala ang negros occidental bilang na “sugar capital ng pilipinas at isa sa mga lugar na magaling sa paggawa nitong pagkaing ito. Dahil sa mga dokumentong na nailatha na noon at sa makabagong teknolohiyang naihandog sa atin ngayon, mabilis lang natin malaman kung saan tayo nanggaling, at kung pa-paano pamumuhay roon.
May mga kilalang produkto ang bawat rehiyon sa pilipinas:
Narito ang iba’t ibang pasalubong na mabibili mo sa pilipinas, para kay Bicolana Ivy Vibar, perpekto ang Pili tart galing sa Bicol dahil
“Bicol produces the most pili in the country, to the extent that it’s been named the province’s flagship crop. The pili tart, which is just one of the many pili derivatives, is made from pili, flour, milk and sugar. A frequent pasalubong request, it is “crisp and soft, a mixture of textures,” says Bicolana Ivy Vibar.”
Para naman kay Dyan Zarzuela
Sa bulacan
“One of the famed sweet delicacies of Bulacan is the inipit. These are little rectangles of chiffon, made from eggs, milk, sugar and butter, with filling. Custard, caramel and ube are the more popular filling flavors. It’s yummy and surprisingly filling despite its lightweight appearance. You can also buy inipit in Manila.”
SA quezon
“Quezon Province is home to this deadly sounding yet not quite potent pasalubong. The yellow yema is not as sticky as your usual yema, but it still has that sweet kick. The yema acts as the icing and it is topped with grated cheese. The cake is actually just sponge cake which balances the overall taste. A party with this cake isn’t complete without a fight over who gets to have the corner pieces which have the gooiest and cheesiest yema icing.”
Sa bohol naman
“Finally, edible chocolate hills! Though they’re not really made from chocolate, these peanut kisses look like miniature versions of Bohol’s Chocolate Hills. They have nothing to do with Hershey’s but are equally, if not more lovable. Peanut kisses are made from peanuts, egg white, cane sugar and vanilla. Perfect for those who love nuts, its nutty taste is highlighted with just the right amount of sweetness. It’s low cholesterol and goes with parfait, ice cream and fruit salads,”
Sa cagayan de oro
Vjandep (pronounced Vandep) pastel is a dinner bun with yema-like filling. The name is a combination of the names of its inventors, Virgilio Jose and Elena Popera. The bun is made from the usual culprits: flour, sugar, eggs and shortening, but it’s the filling that keeps people coming back for more. You can have the original one made from milk, butter and eggs, or try the other flavors like mango, cheese, langka, macapuno and more.
Makakatulong ito sa pagtatatag ng mas matitibay na koneksyon dahil kahit paano kilala ka nila,dahil sa oras at panahon na inilaan mo sa pagbibigay ng pasalubong mas magtatagumpay ang mga relasyon ito. Dahil sa simpatiya at empatiya naka bubuo tayo ng mga kumpanyang magtatagal pa sa ating buhay
Kaya at hindi lamang, minamaliit at isinasantabi ang pagbibigay ng regalo
Ang pagbibigay ng regalo ng ating mga mahal sa buhay sa kanilang muling pagbabalik ay hindi sukatan kung gaano nila minimithing makasama tayong muli lalo na’t alam nilang may maibibigay tayo pagdating. Ang konsepto ng pagbibigay ng pasalubong ay isa lamang simbolo ng ating pagiging maaalahanin.
Sabihin natin na oo, nanggaling ito sa isang mabuting tradisyon, lahat ay isang kasiyahan at paglalaro hanggang ito ay hindi maunawaan ng mabuti
May mga pagkakataon na ito ay lubusang hindi maunawaan ng ibang partido at maging dahilan ng magulong relasyon, kasi kung uunawain mabuti ang konsepto ng pasalubong ay ang pagbibigay ng mga material na bagay upang ipaalala sa mga minamahal nila sa buhay na sila ay mahalaga at parte ng kanilang mundo. May mga taong bumubuo ng pagkahumaling sa mga mahal nila sa buhay hanggang sa punto na hindi nila ito kakayaning pakawalan, mga taong nanhihingi ng atensyon at iba pa. Kung sakaling nahaluan ito ng malisya maaari itong gumawa ng dagok sa kanilang relasyon.
Gagamitin ko muli bilang isang halimbawa yung mag ama, sabihin nating may mga kapatid yung anak at sa hindi inaasahang pagkakataon naiisip ng bata na baka mas mahalaga pa ang kanyang kalatid kaysa sa kanya, kaya’t nang pagbalik nito sa trabaho sa ibang bansa pagbigay ng ama ng regalo,sa halip na makuntento sya rito kinumpara nya ang natanggap nyang pasalubong sa kapatid nito. Kung mapapansin, ng dahil nahaluan ng inggit nawala ang saysay ng tradisyon na ito. Sa kagustuhang mapuna ang ating mga panganagailangan, mabilis tayong mabulag sa katotohanan na kung saan naman ay pumipigil sa atin sa paghusga at malawak na pagiisip.
Nais kong balikan ang mga nakapanghihimok kong punto.
May mga kulturang may mga ipinagbabawal na kasangkapan,
Tulad ng mga taong iglesia ni kristo. Ayon sa kanilang paniniwala bawal sila kumain ng kahit anuman na may kasamang dugo, kaya at kung ikaw ay may pagkakaalam dito, sa tingin mo ba nararapat paring bang mag bigay tayo ng dinuguan sa kanila, alam natin na ang dinuguan ay isang popular na pagkain sa pinas ngunit kung ito ay sumasalungat sa kanilang paniniwala, mahigpit nilang sinusunod ang mga nasabi sa bibliya at isinasabuhay ito ng husto na kung saan ay dapat nating itong respetuhin. Upang bigyan ng diin ang nasabing pahayag, minarapat kong nilapitan at tinanong ang isa kong kakilalang igesia ni kristo
Ayon sa kanya:
“we believe kasi that blood is lifeAnd there’s a Bible verse that says we can eat anything BUT blood”
Sinubukan ko maghanap ng mga inpormasyon upang mas lalo pang patibayin ang aking argumento, at sa aking pag ka bigla, marami rami pala ang nakatala patungkol dito. Mayroon akong nakitang tatlong taludtod galing sa bibiya na tinatalakay ang nasabing isyu
Ayon sa genesis 9:1-8
“And God blessed Noah and his sons and sais unto them, be fruitful and multiply and repenish the earth and upon every fowl of the earth,and upon every fishes in the sea, into your hand they are delivered.
Every moving thing that liveth shall be meat for you; even as the green herb have I given you all things
But flesh with the life thereof, which is the bood thereof,shall ye not eat”
Ayon naman sa leviticus 17:10-13
” i will set my face against any israelite or any foreigner residing among them who eats blood, and i will cut them off from the people.for the life of the creature is in the blood, and i have gciven it to you to make attonement for ones life
Therefore i say to the israelites, none of you may eat blood, nor may any foreigner residing among you eat blood
Any israelite or any foreigner who huntd any animal or bird that may be eaten must drain it out the blood and cover it with the earth”
At ang panghuli naman ay ang sa acts 21:25
“As for the gentile believers we have written to them our decision that they should abstain from foods sacrificed to idols, from blood, from the meat of strangled animals and from sexual immorality”
Ating pansinin at maging sensitibo sa mga ganitong bagay bagay, tayo sana ay maging metikuloso sa pagbibigay ng nga regalo dahil maaari nating mabastod ang kaniang pagkatao.
Kung ating inunawa at pinagaralan ang kasaysayan nang ating kultura, mas lalo tayong magkakaroong ng diwa na magkaroon ng responsibilidad na pangalagaan at pangatawanan ito. Ito ay upang bigyan ng saysay ang mga danos na naka akibat dito